STARBOOKS NEWS

π€πŠπ’π˜πŽππ† πƒπŽπ’π“-π’πŽπ‘π’πŽπ†πŽπ | πŸπŸ’ 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸπŸŽπŸπŸ”

March 25, 2026

by DOST-Sorsogon

𝑺𝑻𝑨𝑹𝑩𝑢𝑢𝑲𝑺 π‘³π’Šπ’ƒπ’“π’‚π’“π’š-π’Šπ’-𝒂-𝑩𝒐𝒙: π‘΅π’‚π’“π’Šπ’•π’ 𝒏𝒂! π‘΄π’‚π’Œπ’‚π’ƒπ’‚π’ˆπ’π’π’ˆ π‘²π’‚π’‚π’π’‚π’Žπ’‚π’, 𝑨𝒃𝒐𝒕-π’Œπ’‚π’Žπ’‚π’š 𝒏𝒂 𝒔𝒂 π‘·π’Šπ’π’‚π’“!

Pinagtibay ng Department of Science and Technology-Bicol (DOST-Bicol), sa pamamagitan ng DOST-Sorsogon, ang kaalaman sa Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon (STI) ng mga mag-aaral at kawani mula sa LGU-Pilar, Pilar Community College (PiCC), at Pilar National Comprehensive High School (PNCHS). Ito ay matapos maisagawa ang "STARBOOKS Launching, MOU Signing, Orientation, and Users' Hands-on Training" sa Parau Hall A, Municipal Hall ng Pilar, Sorsogon.

Ang STARBOOKS, o Science and Technology Academic and Research-Based Openly-Operated KioskS, ay naglalayong maghatid ng online at offline na digital learning para sa mga Pilarnon. Pormal na pinagtibay ang kolaborasyong ito sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng DOST-Bicol, LGU-Pilar, PiCC, at PNCHS. Ang kasunduan ay kinatawan nina DOST-Sorsogon Director Engr. Sandro B. Noguera, Mayor Dennis Sy-Reyes, PiCC OIC-College Administrator Dr. Sanny S. Maglente, at PNCHS Science Dept. Head Lalaine Malto.

Pinangunahan nina Mr. Bon Carlo D. Salonga, Science Research Specialist II mula sa DOST-Sorsogon, Mr. Guirald Malone E. Escober, Project Technical Assistant I at Mr. John Nebrej Rempis, Project Technical Aide V mula sa DOST-Bicol, ang pagsasanay kung saan tinalakay ang teknikal na aspeto ng STARBOOKS. Layunin nito na bigyan ang mga kalahok ng sapat na kaalaman sa paggamit, pagpapanatili, at paggawa ng ulat gamit ang system. Pagkatapos ng pagpapasinaya ng kaalaman, nagpatuloy ang mga kalahok sa isang hands-on activity upang aktwal na masubukan ang pag-access sa mga mahahalagang nilalaman nito.

Ang STARBOOKS ay isang multi-awarded at stand-alone na "S&T library in a box" na binuo ng DOST-STII na naglalaman ng iba't ibang educational resources. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DOST na itaguyod ang STI sa mga malalayong lugar upang mas mapabilis ang pag-unlad ng ating mga komunidad sa kanayunan.

#DOSTBicol

#PSTOsorsogon

#SiyensyaUnaSaSorsogon

#SiyensyangMaaasahanSaKabikolan

#OneDOST4U

#ScienceForThePeople

#dostPH

#STARBOOKS

Source: https://www.facebook.com/dostvsorsogon/posts/pfbid...